Pansamantalang ipinatigil ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation o NBI sa paghawak ng drug cases.
Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ng NBI ang lahat ng anti-drug operations nito gaya sa Philippine National Police o PNP.
Sa Memorandum Circular 005 ng kalihim, “indefinitely suspended” ang implementasyon ng Department Order 554 sa kapangyarihan ng NBI na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up sa drug related cases.
Tututok na lamang anya ang kagawaran at NBI sa kampanya kontra katiwalian at kriminalidad.
Bukod sa PNP, dawit din sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick-Joo ang ilang opisyal at miyembro ng NBI.
By Drew Nacino