Pinabulaanan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mayroong mga taong inilibing sa laud quarry.
Ito ay matapos sabihin ni Retired SPO3 Arthur Lascañas sa pagdinig sa senado na sa laud quarry dinala at pinatay ang pamilya Pataja.
Sinabi ni Aguirre na dating abogado ni Bienvenido Laud, ang may – ari ng naturang quarry, na walang nakitang pruweba ang Commission on Human Rights (CHR) at Department of Justice (DOJ) na inilibing sa quarry ang mga biktima ng davao death squad o DDS.
Iginiit ni Aguirre na bagamat mayroong nahukay na mga buto sa quarry, ang mga ito naman ay buto ng hayop at hindi ng tao.
Maliban dito, iginiit din ni Aguirre, na ang laud quarry ay una nang nakilala bilang libingan ng mga nasawing sundalong hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig.
By Katrina Valle