(SPO3 Ricky Sta. Isabel / Photo Credit: CNN PH)
Itinanggi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na inabswelto niya o idinedepensa niya si SPO3 Ricky Sta. Isabel, suspek sa pagdukot at pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo.
Ayon kay Aguirre, nais lamang niyang magkaroon ng mas malalim na imbestigasyon dahil may mga ebidensyang hawak si Sta. Isabel at ang asawa nito na makapagsasabing fall guy lamang si Sta. Isabel.
Tinukoy ni Aguirre ang pahayag ni Ginang Sta. Isabel na mayroong kakambal ang kanilang pick-up at yun ang ginamit sa pagdukot kay Jee.
Batay aniya sa mga lawarang ipinakita sa kanya ni Ginang Isabel hinggil sa mga pagkakaiba ng kanilang pick-up sa katulad nitong sasakyan na ginamit sa krimen tulad ng carrier sa itaas ng sasakyan, conduction sticker sa harap at pagiging heavily tinted ng isa gayung malabnaw lamang ang tint ng isa pa.
Hindi rin itinago ni Aguirre ang pagdududa sa golf set di umano ni Jee na nakita sa Gream Funeral Parlor dahil hindi ito nakita ng mga NBI agents na unang nagtungo at nag-imbestiga sa punerarya.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre
‘Oplan Tokhang’
Samantala, kumbinsido si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mayroong bahid ng pulitika ang kontrobersya ngayon sa Oplan Tokhang ng PNP o Philippine National Police na di umano’y sinamantala ng mga tiwaling pulis.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, alam ng lahat na ang giyera kontra droga ang pangunahing programa ng Pangulong Rodrigo Duterte kayat sinisira ito upang mapahiya ang presidente.
Lalo pa anya itong pinainit ng mga panawagang magbitiw sa tungkulin si PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na siya namang simbolo ng giyera ng Pangulo kontra illegal drugs.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre
By Len Aguirre | Credit to: Ratsada Balita (Interview)