Plano ni National Police Commission (Napolcom) Vice Chairman Vitaliano Aguirre II na tanggalin na sa mga lokal chief executives ang kapangyarihan na pumili ng magiging hepe ng pulisya sa kanilang nasasakupang lugar.
Ayon kay Aguirre, ang naturang hakbang ay para masigurong hindi maaapektuhan o mababahiran ng pulitika ang hanay ng local police.
Paliwanag ni Aguirre, nagbibigay ng pressure sa Philippine National Police (PNP) sa tuwing namimili ang mga local chief executives gaya ng mga gobernador, at alkalde sa tala ng mga opisyal na pupwede nilang maging police director o kaya’y chief of police.
Giit pa ni Aguirre, kahit dati pa man ay plano na ng ahensya na tanggalin ang naturang polisiya para hindi malagay sa alanganin ang local police at hindi rin aniya mapagdudahan ng ‘padrino’ system o palakasan.