Sumang-ayon si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa obserbasyon na tila taliwas ang reports ng National Bureau of Investigation o NBI at PNP o Philippine National Police sa isa’t isa hinggil sa pagdukot at pagpatay kay Korean businessman Jee Ick Joo.
Gayunpaman, sa panayam ng programang Balita Na Serbisyo Pa sa DWIZ, sinabi ni Aguirre na masyado pang maaga para sabihing magkaiba ang resulta ng kanilang mga imbestigasyon dahil hindi pa naman tapos ang NBI.
Ngunit sakali mang matiyak na may pagkakaiba sa mga bersyon ng NBI at PNP, magsasampa, aniya, ng motion for reinvestigation ang Public Attorney’s Office o PAO.
Pakinggan: Pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre
Aguirre nanindigan na tinanggihan ang panunuhol ni Jack Lam
Nanindigan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na tinanggihan niya ang tangkang panunuhol sa kanya ni Chinese Businessman Jack Lam.
Sa programang Balita Na Serbisyo Pa, sinabi ni Aguirre na nilinaw niya noon kay Lam na kailangan muna niyang bayaran ang mga kaukulang buwis bago mapakalawan ang mahigit isang libo niyang empleyado na naaresto sa kanyang illegal online gambling operation.
Pakinggan: Pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre
Gayunpaman, pilit, aniya, siyang idinidiin ng ilang senador gayong siya ang nagbunyang sa tangkang panunuhol sa kanya.
Pakinggan: Tinig ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre
By: Avee Devierte
Credits to: Balita Na Serbisyo Pa program ng DWIZ mapapakinggan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:00 PM to 7:00 PM kasama sina Jun Del Rosario at Mariboy Ysibido