Tiwala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na papaboran ng korte ang pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army o CPP-NPA bilang terorista.
Ayon kay Aguirre, suportado ito ng napakaraming ebidensiya na magpapatunay ng ilang teroristic activities ng rebeldeng grupo.
Ito ay sa kabila aniya ng pagpupursige ni Pangulong Duterte na magakaroon ng mapayapang pag-uusap sa CCP-NPA.
Kasabay nito, umaasa si Aguirre na matatapos na ng national prosecution team ang petisyon hinggil sa paglalagay sa CPP-NPA sa listahan ng terorista at maisusumite na ito sa Lunes, Disyembre 11.
Una nang sinabi ng Palasyo na ang desisyon na ituring na terorista ang CPP-NPA ay nagbunsod sa sunod-sunod mga pag-atake ng grupo na nagiging dahilan ng takot sa publiko.
—-