Tiwala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na papaboran ng Korte Suprema ang Proclamation 216 o deklarasyon ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ito ang naging pahayag ni Aguirre kasunod na rin ng nakatakdang pagpapalabas ng desisyon ng kataas-taasang hukuman sa mga petisyong kumukwestiyon sa legalidad ng batas militar sa Mindanao.
Matatandaan na kabilang sa mga naghain ng petisyon ay ang mga opposition congressmen na naniniwalang hindi rebelyon ang nangyayari sa Marawi City kundi isang uri ng terorismo kaya’t hindi kailangan ng martial law.
By Krista De Dios | With Report from Bert Mozo