Niyanig ng Magnitude 5.2 na lindol ang bahagi ng Talacogon, Agusan del sur, ala siyete dise sais kaninang umaga.
Naitala ng PHIVOLCS ang sentro ng pagyanog, siyam na kilometro sa timog kanluran ng Talacogon.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na animnapu’t dalawang kilometro.
Naitala ang intensity 3 sa Cagayan de Oro city; intensity 2 sa Bislig at intensity 1 sa Kidapawan city.
Nagbabala din ang PHIVOLCS hinggil sa mga posibleng aftershocks.
By Katrina Valle