Tinapos na ni longest reigning world boxing champion Donnie ‘Ahas’ Nietes ang matinding sparring sessions nito.
Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na laban ni Nietes kay Mexican fighter Edgar Sosa sa darating na Sabado sa Stabhub Center sa Carson, California.
Kabilang sa mga naka-sparring ni Nietes sa kabuuang 60 round session si Olympic gold medalist Zou Shimming.
Tiniyak naman ni Edito Villamor, trainer ni Nietes na limang araw bago ang laban nito kay Sosa ay nasa full condition na ang katawan nito.
Si Nietes ay may record na 38 panalo, isang panalo at apat na draw samantalang ang Mexican boxer ay may 52 panalo, siyam na talo at 30 knockouts
By Judith Larino