Humingi pa ng isang linggo ang Department of Transportation para ilabas ang mga panuntunan kung anong ahensya ng gobyerno ang huhuli sa mga pasaway na driver ng mga pampublikong sasakyan.
Kasunod na rin ito ng panawawagan ni House Committee on Metro Manila Development Chair Winston Castelo sa DOTR na bumuo ng manual hinggil dito dahil nagkakalituhan kung sino ang otorisadong umaresto sa road at traffic violators.
Sa naturang pagdinig nilinaw ni Roberto Valera, hepe ng Field Enforcement Unit ng LTO na sila ang ahensyang may kapangyarihang mag kumpiska ng lisensya ng mga pasaway na driver subalit ang isang tauhan ng MMDA ay uubrang humuli ng traffic violator.
Hinimok ni Castelo ang mga ahensya ng gobyerno na bumuo ng isang Unified Ticketing System at i-isang multa para sa lahat ng traffic violators sa Metro Manila.
Posted by: Robert Eugenio