Muling binuhay ni Senator Koko Pimentel ang pagsusulong nito ng panukalang bumuo ng isang ahensya na tututok sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker o OFW.
Ayon kay Pimentel, napapanahon na para lumikha ng nasabing ahensya dahil sa dami at patuloy pang pagdami ng mga OFW.
Nasa labing isang (11) milyon aniyang OFW ang kailangan tutukan ng pamahalaan partikular na ang mga may pangangailangan gaya ng kalagayan sa kanilang mga trabaho.
Iginiit ni Pimentel na kailangan na ng bansa ng pambansang polisiya na ipatutupad ng malawakan ng isang hiwalay na departamento na direktang tutugon sa mga pangunahaing kalagayan sa trabaho.
—-