Nababahala ang isang anti-crime group sa pagkabigo ng awtoridad na maresolba ang mga kahalintulad na kaso ng Korean national na sinasabing biktima ng ‘tokhang for ransom’.
Tinukoy ni Boy Evangelista, Spokesman ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption ang kaso ng isang engineer at architect sa Cainta na halos isang taon nang nawawala at ang isang nadiskubreng killing fields sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija.
Ayon kay Evangelista, panahon na para bumuo ng isang ahensya ang gobyerno na tututok lamang sa mga nawawalang mamamayan.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Boy Evangelista ng VACC
Umapela rin si Evangelista sa mga mambabatas na lumikha ng isang batas na magpapataw ng parusa sa mga establisyimento tulad ng mga funeral parlors na posibleng nakikipagkutsabahan sa mga sindikato.
Inihalimbawa ni Evangelista ang Green Funeral Parlor sa Caloocan City kung saan di umano nakuha ang abo ng Korean national na di umano’y dinukot at pinatay ng isang grupo kung saan kabilang si SPO3 Ricky Sta. Isabel.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Boy Evangelista ng VACC
By Len Aguirre | Credit to: Ratsada Balita (Interview)