Pinaaga ng Alliance of Health Workers ang naunang taning na ibinigay nito sa DOH para maibigay na ang kanilang mga benepisyo.
Taliwas ito sa naunang September 1 deadline ng nasabing grupo para makuha ang kanilang mga benepisyo at hindi na ituloy ang bantang mass protest.
Ayon kay Robert Mendoza, Pangulo ng grupo, nagkausap na sila ng mga lider ng ibat ibang samahan ng healthcare workers at nagpasya silang paagahin o gawing bukas na, biyernes ang taning na ibinigay nila dahil tila wala aniya silang aasahang magandang balita mula sa gobyerno.
Kasabay nito, ipinabatid ni Mendoza na hindi masaya ang healthcare workers sa pagdinig ng senado dahil naka focus lamang ito sa Special Risk Allowance (SRA) samantalang pinagdadamot aniya ng gobyerno ang iba pang benepisyo nila.