Inihayag ni Alliance of Health Workers President Robert Mendoza na hindi makatarungan ang bagong polisiya ng Department of Health (DOH) na tumutukoy sa risk level ng healthcare workers para mabigyan ng one COVID-19 allowance.
Aniya, ito’y insulto sa mga nasabing indibidwal lalo na sa mga tinamaan ng COVID-19.
Sinabi pa ni mendoza na marami ring healthcare workers ang hindi pa nakakatanggap ng benepisyo sa ilalim ng bayanihan 2.
Matatandaang sa bagong guidelines ng DOH, papalitan na ng one COVID-19 allowance ang special risk allowance kung saan ibabatay sa klasipikasyon o risk level ang matatanggap na benepisyong mga naturang indibidwal. - sa panulat ni Airiam Sancho