Aminado ang komedyanteng si Ai Ai Delas Alas na umaasa siyang magkakaanak sila ng kanyang mister na si Gerald Sibayan.
Ayon sa 53-anyos na aktres, iaanunsyo na lamang niya sa publiko kapag buntis na siya.
Masaya aniya siya dahil mabait ang kanyang mister kaya itinuturing niya itong pinakamagandang regalo ng Diyos sa kanya.
Matatandaang noong Disyembre 2017 ay ikinasal ang comedienne kay Sibayan na mas bata sa kanya ng 30 taon.