Excited na ang actress-comedian na si Ai Ai delas Alas sa nakatakda niyang pagbabalik sa Star Cinema para sa isang bagong pelikula.
Ito ang unang proyekto ni Ai Ai sa ilalim ng ABS-CBN Kapamilya network matapos nitong lumipat ng istasyon.
Itinuturing itong ‘fresh start’ ni Ai Ai na nag-post ng Instagram photo kasama ang Star Cinema bosses at manager na si Boy Abunda, at may caption itong: “Meeting with the bosses of Star Cinema with my manager Boy Abunda . . . It’s really the season of love . . . I am very happy and excited para sa 2017. New year, new movie. Wohoo!”
Bago umalis sa Kapamilya network ay nakagawa si Ai Ai ng ilang Star Cinema box-office movies kasama na ang ‘Tanging Ina’ at ‘Sisterakas.’
Photo Credit: msaiaidelasalas / Instagram