Hindi lamang magkakaroon ng isang kasal kundi dalawang kasal ang mangyayari kay Comedy Concert Queen Ai- Ai Delas Alas at fiance nitong si Gerald Sibayan.
Ayon kay Ai, lilipad sila patungong Amerika sa Nobyembre para doon magpakasal.
Aniya, marami kasi sa kanyang mga kabigan at kaanak ang hindi makakadalo sa kanilang kasal sa Pilipinas kaya may mauuna na ang kasalan doon.
Tuloy na tuloy pa rin aniya ang kasal nila ni Gerald dito sa bansa sa 2018.
Pangako naman ni Ai–Ai habang di pa sila kasal ng kanyang soon to be hubby na wala munang labing – labing na una na nyang naipangako nang mabigyan sya ng Papal Award kamakailan.
Umaasa naman si Ai-Ai na magkakaanak pa silang mag – asawa dahil wala naman aniyang impossible ngayon sa siyensya.
By Rianne Briones
Photo Credit: Ms. Ai-Ai Delas Alas Instagram