Tinuldukan na ng comedy concert queen na si Ai-Ai delas Alas ang number one isyu sa pelikula niyang My Bebe Love at pelikula naman ng Star Cinema na Beauty and the Bestie sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Nagsimula ang isyu nang magdeklara ang Star Cinema na ang entry nilang Beauty and the Bestie ang topgrosser sa nagdaang film festival.
Ito ay kahit wala pa namang inaanunsyo ang MMFF na sinagot ni Ai-Ai sa twitter at iginiit na sila ang number one.
Paliwanag ngayon ni Ai-Ai, opinyon niya lamang iyon at tiwala siyang darating ang panahon na magkakaayos-ayos din sila ng mga taga-kabilang istasyon.
Nanindigan naman si Ai-Ai na hindi kailanman niya itatangging malaki ang kanyang utang na loob sa ABS-CBN na 14 na taong din niyang pansamantalang naging tahanan.
Nilinaw naman ni Ai-Ai na maayos ang relasyon niya sa bida ng kalabang pelikula na si Vice Ganda
Sinabi ng comedy concert queen na madalas aniya silang magkatext ni Vice Ganda at ok aniya sila.
By Ralph Obina