Mayroon ka bang alagang pusa?
Kung oo, maaaring makatulong sa iyo ang isang app na posibleng ma-detect kung may nararamdamang sakit ang iyong pusa sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI).
Ito ang CatsMe! app.
Ang CatsMe! app ay dinevelop ng Japanese tech startup na Carelogy at ng researchers mula sa Nihon University. Gumamit sila ng 6,000 larawan upang makilala ng kanilang AI ang facial expressions ng mga pusa, kabilang na ang mga may sakit.
Dahil dito, mayroong 95% detection accuracy ang nasabing app.
Mula nang ilunsad ang CatsMe! app noong 2023, higit sa 230,000 furparents na ang nakagamit nito. Karamihan sa kanila, kaagad na idinadala sa beterinaryo ang kanilang mga alaga kapag makumpirmang may nararamdaman itong sakit.
Patunay ang app na ito na malaki ang pakinabang ng teknolohiya sa pagpapabuti ng kalusugan ng ating mga alagang hayop. Sa pamamagitan ng CatsMe! app, mas maagang matutukoy ang kanilang sakit na siyang magbibigay-daan upang sa mas humaba pa ang buhay ni Muning.