Dedesisyunan na ng AIBA o International Boxing Association sa susunod na tatlong linggo kung papayagang makalahok sa Olympics ang mga professional boxers.
Ayon kay AIBA President Dr. Ching-Kuo Wu, ang makasaysayang pagbabago na ito sa Olympics ay isasalang nila sa isang extraordinary congress bago matapos ang buwan ng Mayo.
Kumbinsido si Wu na mas mabibigyang ningning ang sports na boxing sa Olympics kung papayagang makalahok ang mga professional boxers.
Matatandaang pawang mga amateurs lamang ang pinapayagang makilahok sa lahat ng sports sa Olympics.
By Len Aguirre