Nanawagan ng tulong sa publiko ang singer na si Aicelle Santos para sa kaniyang ina nasa kritikal na kondisyon.
Sa facebook at instagram post ng singer, aminado siya na hirap siyang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang ina kung saan, lumalaki na umano ang kanilang gastusin sa ospital.
Nananawagan si Aicelle ng donasyon sa mga may busilak na puso na matulungan siya para humaba pa ang buhay ng kaniyang ina matapos ma-cardiac arrest kamakailan.
Una nang na-admit sa ospital ang kaniyang ina makaraang tamaan ng COVID-19 dahil narin sa nararanasang ubo at hirap sa paghinga.
Ayon kay Aicelle, ang kaniyang ina ang kaniyang naging inspirasyon dahil ito raw ang nagtulak at sumuporta sa kanyang singing career kaya handa siya umanong gawin ang lahat para masagip ang buhay ng kanyang ina.