Narating ng mga trucks na may dalang mga relief supplies ang Ghouta, Syria sa kauna-unahang pagkakataon simula nang mag-umpisa ang matinding air at ground assault ng Syrian government laban sa mga rebelde.
Kasunod na rin ito ng napagkasunduang siyam na oras na humanitarian pause sa gitna ng labanan sa Syria.
Gayunman, hindi pa man naibaba ng International Committee of the Red Cross o ICRC ang lahat ng kanilang dalang supply ay kinailangan na nilang umalis matapos na muling magsimula ang pag-atake ng Syrian government.
Samantala ligtas namang nakalabas ng ground ang lahat ng staff ng ICRC.
—-