Nagbabala ang pamunuan ng Food and Drug Administration (FDA) sa mga healthcare professionals maging sa publiko na huwag bumili ng AiDeLai facemasks.
Ayon sa FDA, ito’y dahil hindi dumaan sa masusing evaluation process ang naturang brand ng facemask.
Lumabas din sa isanagawang post-marketing surveillance ng FDA, wala umano itong product notification certificate alinsunod sa Republic Act No. 9711.
Kasunod nito, payo ng FDA sa publiko, bago bumili ng mga facemask o anumang personal protective equipments (PPEs) gaya ng face shield na kalat na sa merkado, nakabubuti anila na tingnan muna ang tala ng FDA hinggil sa notified products nito o iyong mga pinapayagang ibenta sa merkado.
***FDA Advisory No.2021-0011***
The Food and Drug Administration (FDA) warns all healthcare professionals and the…
Posted by Food and Drug Administration Philippines on Thursday, 14 January 2021