Napilitang magpalit ng destinasyon at lumapag sa pinaka malapit na airport ang isang AirAsia plane sa Malaysia.
Ayon sa AirAsia Chief Safety officer Liong Tien Ling, mula sa Kuala Lumpur ang naturang eroplano at papunta sanang Tawau nang mapansin sa ilaw ng cabin ang isang ahas.
Agad na umaksiyon ang mga crew member maging ang Kapitan ng eroplano saka lumapag siya sa Kuching, siyam na raang kilometro ang layo sa Tawau, Malaysia.
Wala namang nasugatan sa pangyayari at agad na inilipat sa ibang eroplano ang mga pasahero matapos maantala ang kanilang biyahe. —sa panulat ni Angelica Doctolero