Ipinakita ng Britanya ang kanilang air craft carrier sa Defense Chief ng bansang Japan.
Nangyari ito sa naval base ng Tokyo kasabay ng pagsisimula ng permanent military presence sa nasabing rehiyon.
Layunin nito na malabanan ang pagpapalakas ng bansang China sa paligid ng Japan.
Inikot naman nina Japanese Defense Minister Nabuo Kishi at mga Senior Japanese Military Commanders ang carrier sa pagitan ng mga nakapalibot na F-53B stealth fighters.
Matatandaang itinuturing ng Japan na isang banta o threat sa kanilang seguridad ang China kasunod ng pagpapalipad ng mga ito ng eroplano sa parte ng Taiwan.—sa panulat ni Rex Espiritu