Nananatiling nakabantay ang Philippine Air Force sa himpapawid o airspace ng bansa.
Ito’y matapos mamataan ang isang hindi pa matukoy na aircraft na dumaan sa bahagi ng Sorsogon nitong weekend.
Ayon kay Air Force Spokesman Lt/Col. Maynard Mariano, 24 oras aniyang naglilibot ang kanilang mga eroplano sa buong kapuluan.
Gayunman, hindi pa rin matukoy ni Mariano kung anong klaseng air craft at kung saan iyon nagmula.
At minamatyagan po talaga natin ang seguridad. At itong mula sa sitwasyon ng Sorsogon, mabuti po ay naging aware ang ating isang netizen. At ito po ang maganda para sa atin, na lahat po sana tayo ay magkaroon ng kamalayan at magkaroon ng awareness na maging concern din po.
Ang tinig ni Philippine Air Force Spokesman Lt/Col. Maynard Mariano sa panayam ng DWIZ…