Mabubuhay na muli ang air group ng Philippine National Police o PNP.
Ito ay matapos ianunsyo ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na bumili na sila ng tatlong (3) helicopters at nakatakdang bumili ng dalawang (2) iba pa.
Ayon kay Dela Rosa, ang tatlong nabiling helicopters ay nagkakahalaga ng 870 milyong piso at inaashaang maidedeliver [deliver] bago matapos ang 2018.
Habang ang dalawang iba pang bibilhing helicopters ay posibleng maideliver naman sa 2019.
Ayon pa kay Dela Rosa, gagamitin ang mga air asset na ito sa mga malalaking operasyon ng pulisya kabilang na ang ‘war on drugs’.
Samantala, pinanungahan ni Dela Rosa ngayong araw, Pebrero 1, ang pagbabasbas sa 45,000 mga bagong sasakyan at gamit ng PNP na nagkakahalaga ng 6.4 bilyong piso na binili ng pulisya nitong 2017.