Pinarerepaso ni Albay Representative Joey Salceda ang DOTC-DTI Joint Administrative Order no. 1 series 2012 o Air Passenger Bill of Rights.
Ginawa ito ni Salceda matapos ang nangyaring technical issue sa Air Traffic System ng NAIA nitong linggo.
Ayon sa Kongresista, batay sa Air Passenger Bill of Rights, anumang kanselasyon ng biyahe bunga ng Force Majeure, at Safety o Security Reasons alinsunod sa Certification ng CAAP ay may karapatan sa full reimbursement.
Hindi aniya sakop ng JAO no. 1 ang Compensation ng Air Passengers kung ito ay bunsod ng system wide issue ng ahensya at hindi ng carrier.
Matatandaang una rito, hiniling ni Salceda sa CAAP na sertipikahan bilang “Safety Reason” ang flight cancellations upang makakuha ng full reimbursement ang mga naapektuhang pasahero.
Ipinanawagan din nitong siyasatin kung nakasunod ang CAAP sa State Safety Program for Air Operations at panagutin ang sinomang may kagagawan sa aberya.