Lumakas ang loob ng mga mangingisda na magbalik sa Scarborough Shoal upang mangisda.
Sa harap ito ng air patrols na magkatuwang na isinasagawa ng mga sundalo ng Pilipinas at Amerika.
Sa pagtatapos ng Balikatan Exercises, napagkasunduan na maiwan sa bansa ang may 200 sundalong Amerikano para sa joint air patrols kasama ang kanilang Filipino counterparts.
Matatandaan na kung ilang beses nang sinita at tinutukan pa ng baril ng Chinese Coastguards ang mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough Shoal.
By Len Aguirre