Bumaba ng halos 50% ang pre-pandemic level ng air pollution metrics sa bansa dahil sa kaliwa’t kanang lockdowns dulot ng Covid-19, noong isang taon.
Ayon kay Engineer Jundy De Socorro, hepe ng air quality management section ng DENR, bumagsak sa 40 micrograms per normal cubic meter ang kabuuang suspended particulates.
Ibinase ni de Socorro ang pagbaba ng air pollution rate sa guideline values sa ilalim ng Philippine Clean Air Act of 1999 na nakapako sa 90 micrograms per cubic meter.
Gayunman, hindi anya kabilang ang pollution record noong 2020 sa annual air pollution assessment dahil hindi ito maikukumpara sa mga nakaraang taon, lalo’t apektado ng lockdown ang data sampling at mayroon ding mga data collection stations na hindi naisama.
Samantala, batay naman sa kanilang emissions inventory, pitong porsyento ng air pollution ay nagmumula sa transportasyon.—sa panulat ni Drew Nacino