Inilabas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang air quality index sa Metro Manila matapos makaranas ng haze kahapon, Enero 24.
Ayon sa tala ng ahensya, naging “unhealthy for sensitive groups” ang hangin sa Las Pinas City pasado 4:00 ng hapon.
Fair naman sa mga lungsod ng Caloocan, Navotas, Mandaluyong, Marikina, Paranaque at Taguig.
Good naman ang naitalang air quality sa Malabon, San Juan at Quezon City.
Samantala, good naman ang air quality sa Region 3 at fair naman ang kalidad ng hangin sa Region 4A o Calabarzon.