Patuloy ang pagbuti ng kalidad ng hangin sa Maynila ngayong umiiral ang lockdown bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay batay sa pagsusuri ng Asia Blue Skies program kung saan bumaba sa 71% ang pollution levels ng hangin sa lungsod.
Ayon sa Manila PIO, partikular na naitala sa nasabing pag-aaral ang magandang kalidad ng hangin sa Freedom Park sa Manila City Hall.
Kinakitaan din ng pag ganda ng kalidad ng hangin sa Rizal Park na bumaba naman ang pollution level nito sa 60%.
Aminado naman ang lokal na pamahalaan na isang malaking pagsubok ang mapanatili ang magandang kalidad ng hangin sa Maynila sa oras na maalis na ang lockdown at muling magbalikan sa lansangan ang maraming mga sasakyan.