Pinalalarga na ni US President Joe Biden ang air strike sa mga pasilidad na pinatatakbo ng militia groups sa Iraq-Syria border.
Ipinabatid ni Pentagon Press Secretary John Kirby na partikular na target ng air strike ang mga piling pasilidad na ginagamit ng Iran backed militias na sangkot sa operasyon ng unmanned aerial vehicles laban sa US personnel at pasilidad ng Iraq.
Pangunahin aniyang tatamaan ng nasabing air strikes ang storage facilities at dalawang lugar sa Syria at isa sa iraq na matatagpuan sa border ng mga nasabing bansa.