Handa nang ilipat ng Japan ang mga makabagong air surveillance system sa Pilipinas para sa hukbong panghimpapawid.
Sa ilalim ito ng kontrata ng Department of National Defense, Mitsubishi Electric Corporation at sa pakikipagtulungan ng Japan Ministry defense para sa pag-suplay ng makabagong 4 na air surviellance system upang maprotektahan ang air at naval territory ng bansa.
Nais isulong ng Ministry of Defense Ng Japan ang maayos na kooperasyon sa mga bansang nasa indo-pacific para makapagbahagi ng mga bagong kagamitan.
Natungo kamakailan ang mga kawani ng philippine air force sa Japan para magsanay sa paggamit ng makabagong air surviellance system ng bansa. – sa panunulat ni Jenn Patrolla