Umaaray na ang air transport industry dahil sa pagkalugi ng mahigit $250-B simula ng magkaroon ng krisis dahil sa coronavirus outbreak.
Ayon kay Alexandre De Juniac, Director General ng International Air Transport Association (IATA), paralisado ang halos lahat ng operasyon ng mga airlines sa maraming bansa dahil sa takot ng pagkalat ng COVID-19.
Ani Juniac isa sa pinaka apektado ng pagbagsak ng stocks ay ang airline industry at pinapangambahan unang maapektuhan ng global recession.
Sinabi naman ni IATA Chief Economist Brian Pearce na pinakananganganib ang European airlines dahil sa 90% ng pagbagsak nito sa ikalawang bahagi ng 2020.