Nagbabala ang Civil Aeronautics Board (CAB) sa mga airline companies kaugnay sa pagtataas ng pasahe bunga mga cancelled flight noong panahon ng APEC Summit.
Ayon sa CAB, hindi sapat na dahilan ang pagkalugi ng halos 1 bilyong halaga ng mga airline companies para magtaas ng pasahe.
Matatandaang umabot sa higit 1,000 biyahe ng eroplano ang nakansela na nagdulot naman ng 880 milyon ang nalugi sa Philippine Airlines, 40 million sa Airasia at 400 million pesos naman para sa Cebu Pacific.
By Rianne Briones