Pina-plantsa na ng airline companies ang kanilang mga biyahe bilang paghahanda sa muling pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila simula Agosot 6 hanggang 20.
Ayon sa Philippine Airlines, limitado lamang ang kanilang domestic flights sa essential travelers kabilang ang mga residente ng NCR na babalik ng Metro Manila.
Sinabi pa ng PAL na tuloy ang international at domestic flights basta’t naaayon sa travel restrictions at protocols.
Ganito rin ang ginawa ng Cebu Pacific at Air Asia na nanawagan sa mga apektadong pasahero na uubra namang i-refund ang bayad sa kanilang plane ticket.