Hinimok ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport terminal 4 ang mga airline na ilipat sa mas mataas at mas ligtas na paradahan ang kanilang mga eroplano tuwing umuulan.
Ito ay matapos maantala ang ilang flights noong matapos bahain ang Tarmac area nito.
Makakabuti anilang ilipat ng paradahan ang mga eroplano upang hindi na maulit ang kaparehong insidente.
By: Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)