Ipinatawag na ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA ang mga airlines na nagsagawa ng uncoordinated flights matapos ang maayos ang aberya sa NAIA.
Ayon kay Manila International Airport Authority o MIAA General Manager Ed Monreal, isang malaking katanungan rin sa kanila kung bakit hindi nagpaalam sa kanila ang nasa 61 flights.
Dapat lamang aniyang magpaliwanag ang mga sangkot na airlines dahil nakadagdag sila sa kaguluhan sa naia sa panahong libu-libong pasahero ang stranded.
Inabot di umano ng 61 ang uncoordinated flights sa MIAA matapos mabuksan ang paliparan.
Matatandaan na halos dalawang araw ang inabot para tanggalin sa main runway ng NAIA ang sumadsad na Xiamen Airlines.
Kaugnay nito, idinepensa rin ng Manila International Airport Authority ang halos dalawang araw na pagtanggal sa sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines sa NAIA main runway.
Ayon kay General Manager Ed Monreal, kung tutuusin ay pinakamabilis na ang ginawa nilang pagtanggal sa Xiamen Airlines kumpara sa mga parehong sitwasyon na nangyari sa ibang bnsa.
Tinukoy ni Monreal ang aniya kahalintulad na insidente sa Bangkok Thailand na halos apat na araw bago nakuha ang eroplano gayundin sa Katmandu.
Binigyang diin ni Monreal na kumpleto naman sa kagamitan ang MIAA para sa mga normal na emergencies tulad ng air lifting bags.
Hindi nman aniya sila puwedeng bumili ng crane dahil hindi ito araw-araw na ginagamit kaya nagpasya silang humihram o nag renta ng crane para mabatak ang nabahalong Xiamen Airlines.
Back to normal operation
Samantala, tuluyan nang nakabalik sa normal ang sitwasyon sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA matapos ang pagsadsad ng Xiamen Airlines sa main runway ng paliparan.
Ayon kay General Manager Ed Monreal ng MIAA o Manila International Airport Authority, iilang recovery flights na lamang ang isinasagawa ngayon ng Philippine Airlines para sa mga nakanselang biyahe.
Normal na anyang nakakaalis at dumarating ang mga naka-schedule na flights.
Ang mga natitira na lamang aniyang tao sa airport ngayon ay yung mga may scheduled flights ngayong araw na ito.
—-