Tumaas ang bilang ng airport arrivals ngayong ‘ber’ months.
Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na umabot sa 634,000 ang arrivals hanggang nitong Oktubre ngayong taon kumpara sa 195,000 noong Disyembre, 2021.
Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, inaasahang tataas pa ang bilang na karaniwang peak tuwing Disyembre.
Ito, anya, ay dahil sa pagluluwag ng travel restrictions sa bansa sa gitna ng covid-19 pandemic.
Una nang sinabi ng Department of Tourism na mahigit 1.8 million foreigners ang bumisita sa Pilipinas, na lampas sa target ng pamahalaan.