Kalaboso ang inabot ng isang janitor sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport makaraang mahuling nagbebenta ng shabu sa oras ng trabaho.
Kinilala ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang suspek na si Jesus Dotollo, building attendant at nakatalaga sa admin building ng MIAA o Manila International Airport Authority.
Batay sa paunang impormasyon ng DWIZ sa Office of the Assistant General Manager-Security and Emergency Services ng NAIA, tatlong (3) sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha ng PDEA mula kay Dotollo.
Nagkakahalaga umano iyon ng isanlibo at dalawandaang (1,200) piso na nabili ng isang pauser buyer ng PDEA na siyang dahilan ng pagkaka-aresto ng suspek.
Kasalukuyan nang hawak ng PDEA sa Terminal 3 si Dotollo habang nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
By Jaymark Dagala | Raoul Esperas (Patrol 45) | Jelbert Perdez
Photo Credit: Raoul Esperas (Patrol 45)