Hinalughog ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group at airport police department bomb disposal unit ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA dahil sa bomb threat.
Sinasabing nakatanggap ng tawag ang isang telephone operator ng NAIA Terminal 1 kung saan sinabi umano ng caller na mayroong ikinalat na bomba sa tapat ng paliparan.
Dahil dito, agad na ikinalat ang mga bomb-sniffing dogs sa lahat ng terminal ng NAIA upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at mga delegado ng APEC.
By Jelbert Perdez | Raoul Esperas (Patrol 45)