BUKAS na muli ang Kabul airport sa Afghanistan. Ang hakbang ay ginawa ng technical team na pinangungunahan ng Qatar upang bigyang-daan ang humanitarian works.
Inaasahang bubuhusan ng pondo ng United States Congress ang aid efforts ngunit malabo upang ibigay ito nang direkta sa Taliban.
Pupulungin naman ni UN chief Antonio Guterres ang mga kinatawan ng mga bansa sa ika-labintatlo ng Setyembre para sa tulong na ihahatid ito sa Kabul.