Hiniling mga drayber at operator ng airport taxi sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na itaas ang kanilang flag down rate matapos tumaas ang presyo ng gasolina.
Nais ng airport taxi drivers and operators na itaas sa P100.00 mula sa kasalukuyang P70.00 ang flag down rate.
Naiintindihan naman ng LTFRB ang panig ng mga drayber at operator ng airport taxi bagamat tinutulan ng Overseas Filipino Workers (OFW’s) ang naturang fare hike petition.
Ayon sa LTFRB, iba ang airport metered taxi dahil kapag naibaba nito ang pasahero, hindi na ito pinapayagang magsakay pa ng pasahero kaya’t mas mataas ang kanilang singil.
Ang nasabing petisyon ay diringgin ng LTFRB sa Pebrero 27.
2008 nang huling humiling ng dagdag sa kanilang flag down rate ang airport taxi operators na hindi naman pinagbigyan ng LTFRB.