Naglunsad na rin ang militar ng air strikes kontra pro-islamic state group na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Maguindanao kasabay ng military operation laban naman sa Abu Sayyaf sa Sulu.
Ayon kay Maj. Arvin Encinas, spokesman ng 6th division ng army, dakong ala 5:00 kaninang umaga nang simulang bombahin ng dalawang ov-10 aircraft ang posisyon ng BIFF sa bayan ng Sultan sa Barongis.
Dalawang FA-50 fighter jets naman ang nagbagsak din ng mga bomba sa Liguasan Marsch kaya’t daan-daang residente ang nagsilikas sa bayan ng Pigcauayan, North Cotabato.
Una nang itinaas ang full alert status sa Central Mindanao matapos makatanggap ng intelligence reports ang militar na nasa 40 foreign jihadists ang nakapasok sa rehiyon.