Nagsagawa ng airstrike ang militar sa Lanao Del Sur para targetin ang bagong emir ng Islamic State sa Southeast Esia at Maute leader na si Abu Dar.
Ayon kay Joint Task Group Lanao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, pinaniniwalaang nagtatago si Abu Dar sa liblib na bahagi ng Sitio Giarong sa bayan ng Tubaran.
Sinasabing si Abu Dar din ang siyang mastermind sa pagpatay sa isang kandidato noong nakalipas na eleksyon noong Mayo.
Hindi naman matukoy pa ni Brawner kung mayroong naging casualty sa magkabilang panig bunsod ng naging bakbakan.
Habang napilitan namang lumikas ang 700 pamilya dahil sa kaguluhan.