Wala pang balak ang Armed Forces of the Philippines o AFP na itigil ang paglulunsad ng airstrike sa battlezone sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, marami pang nakakalat na IED o improvised explosive device sa naturang lungsod.
Aniya, makatutulong ang airstrike upang maiwasan ang Maute-ISIS group na makapagtanim pa ng bomba sa mga lugar na dinadaanan ng mga sundalo.
Idinagdag pa ni Padilla na sa isang malaking mosque sa Marawi nagtatago ang mga natitirang terorista na tinatayang nasa 50 hanggang 60 na lamang.
By Arianne Palma