Hindi tatantanan ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang mga teroristang Maute na nananatili pa rin sa Marawi City.
Ito ang binigyang diin ni Joint Task Force Marawi Spokesman Lt. Col. Jo-ar Herrera makaraang sabihin nitong tuloy ang isinasagawang airstrike sa mga kumpirmadong pinagkukutaan ng mga kalaban sa lungsod.
Giit ni Herrera, nagpasya silang ipagpatuloy ang airstrikes bilang tugon na rin sa kahilingan ng mga tropa ng militar na nasa ground.
Aminado si Herrera na strategic pa rin ang puwesto ng mga terorista na siyang dahilan para sa mga sundalo para maging pahirapan ang kanilang pagpasok sa mga lugar na kontaminado pa rin ng mga kalaban.
By Jaymark Dagala
Airstrike sa Marawi City tuloy ayon sa AFP was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882