Idinepensa ng Russia ang kanilang military operations sa Syria.
Binigyang diin ni Russian President Vladimir Putin na layon nitong mapagtibay ang lehitimong pamumuno ni Syrian President Bashar Al-Assad.
Itinanggi ni Putin na mga moderate opposition groups sa halip na Islamic State militants ang tinatamaan ng air strikes ng Russia.
Ayon kay Putin, nanganganib na maagaw ng mga terorista kay President Assad ang Syria kung wala ang suporta ng Russia.
By Len Aguirre