Nagpapatuloy ang airstrikes ng militar labans sa ISIS-Maute Group sa Marawi City, Lanao del Sur matapos mapaso ang apat na oras na tigil-putukan na nagbigay daan sa paglikas ng mga na-trap na sibilyan.
Apat na oras ang itinagal ng ceasefire upang magbigay daan sa evacuation na pinangunahan ng limang (5) team mula sa Moro Islamic Liberation Front o MILF.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Assistant Secretary Dickson Hermoso, hinakayat ng MILF ang tinatayang dalawanlibong (2,000) sibilyan na lumikas na matapos ang labingtatlong (13) araw na pagtatago.
Gayunman, halos isandaan apatnapung (140) residente lamang ang nailigtas mula sa warzone, noong Sabado.
Rescued civilians
Nailigtas ang 134 sibilyang naipit sa bakbakan ng militar at Maute Group sa Marawi City noong Sabado.
Kasunod ito apat na oras na napagkasunduang ceasefire sa pagitan ng dalawang panig upang bigyang daan ang humanitarian aid sa mga sibilyan.
Ayon sa ARMM Provincial Government, sa pamamagitan ng inilatag na peace corridor ay maayos na nailabas sa war zone ang mga residente.
Kabilang sa mga na-rescue ang mga batang may sakit na diarrhea at malnutrisyon.
Samantala, siniguro naman ng militar na patuloy ang kanilang ginagawang pagsisikap sa tinataya pang dalawang libong (2,000) mga residente na nasa loob pa ng syudad.
By Drew Nacino / Rianne Briones
Airstrikes ng militar sa Marawi nagpapatuloy was last modified: June 5th, 2017 by DWIZ 882